Dinakip ng mga kasapi ng Bureau of Customs ang isang Chinese businessman dahil sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo at ibang mga pekeng gamit sa lungsod ng Valenzuela.

Isinagawa ng PNP Valenzuela ang search operation sa gusali ng inireklamo at nakuha ang nasa 259 na kaha ng pekeng sigarilyo at ilang mga pekeng gamit na ibinebenta rin nito.

Dahil dito ay ipinasara na ng PNP ang bodega nito habang ipinasakamay ang dayuhan suspek sa BoC.