Arestado ng Bureau of Immigration ang isang high profile Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasabay sa paggunita ng karamihan sa Semana Santa.
Ayon sa kawanihan, naaresto ang dayuhan matapos magpanggap at ipakilala ang sarili bilang Pilipino gamit ang alias Peter Buenaobra Zhuang.
Katuwang anila sa operasyon ang Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines alinsunod sa layon maprotektahan integridad ng mga dokumento sa Pilipinas.
Naitala din kasi sa naarestong suspek ang aktibong Philippine Passport na siyang ginagamit sa pagbyahe kahit pa’y isa siyang Chinese at hindi Pilipino.
Batay rin sa Intel report ng Immigration, natuklasan bukod sa pasaporte, may hawak din itong ibang dokumento tulad ng driver’s license, birth certificate at marriage certificate.
Mananatili ang dayuhan naaresto sa kustodiya ng Bureau of Immigration habang kinakaharap mga kasong isinampa laban sa kanya.
















