Nailigtas ng mga otoridad ang isang dayuhan na tinangkang dukutin ng kapwa Chinese.
Sinabi ng 27-anyos na biktimang si Zhou Zheng Qiang, nangutang ito ng P950,000 sa ilang grupo ng Chinese na nakilala sa isang casino.
Dahil sa pagkatalo ay P80,000 lamang ang naibalik subalit matapos ang ilang araw ay nakumpleto nito ang bayad.
Nagulat na lamang ang biktima dahil habang naghihintay ng masakyan sa Makati City ay bigla na lamang itong isinakay ng mga suspek at humihingi pa ang mga ito ng karagdagang P1 million.
Nakaligtas lamang ang biktima matapos na humingi ng tulong ito sa mga kapulisan na nakatalaga sa Skyway sa lungsod ng Pasay.
Nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang tatlong Chinese suspek kung saan inihahanda na ang kaso laban sa mga ito.