Na-rescue ng mga tauhan ng PNP AKG ang 27-anyos na Chinese national na biktima ng kidnapping ng dalawa nitong kapwa Chinese at isang Pilipino.
Ang biktimang si Sun Xia Lin ay nailigtas sa operation ng PNP AKG sa Atrium Hotel sa Pasay City.
Sa report ni Col. Rudolf Dimas, acting director ng AKG, nakilala ang mga suspek na sina Alvin Cardeño Israel, Li Fei at Ye Hong.
Noong May 16, 2021 nang dukutin umano ang biktima habang papunta sa isang clinic sa Makati City para sa kaniyang RT PCR Test.
Agad na nakapagbayad daw ng P1.4 million ang pamilya ng biktima sa China sa pamamagitan ng on line transaction ngunit hindi pa rin ito pinakawalan.
Kaya’t isang pinsan niya ang humingi na ng saklolo sa PNP AKG.
Agad na isinagawa ang rescue operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Kasong kidnapping for ransom ang isasampa ng PNP AKG sa tatlong suspeks.