-- Advertisements --
Binanatan ng Chinese Embassy sa Manila ang pangingialam ng US sa isyu tungkol sa West Philippine Sea.
Sa pahayag ng Chinese Embassy na nakabase sa Manila na hindi kabilang ang US sa isyu sa West Philippine Sea.
Kapwa independent na bansa ang Pilipinas at China na kaya nilang resolbahin ang anumang problema.
Nauna rito naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China matapos na namataan ang 220 militia vessels sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.
Mula pa noong Marso 7 ay hindi pa umaalis ang nasabing mga barko ng China na nagsasagawa umano ng iligal na pangingisda na nakakasira umano sa coral reef sa lugar.