-- Advertisements --

Nakarating na sa Pyongyang sa North Korea ang isang delegasyon ng China para sa pagdiriwang ng North Korea-China Friendship Lunar New Year Festival.

Kasunod ito ng naging pagbisita ng delagasyon ng Chinese foreign ministry sa North Korea makalipas ang ilang araw.

Ang nasabing delegasyon ay pinangunahan ni Liu Huiyan, ang director ng Propaganda Department ng Liaoning Provincial Committee, na sinalubong naman ni Kim Kwang II , ang vice chairman ng DPRK-China Friendship Association, at Ambassador Wang Yajun ng Chinese Embassy sa Pyongyang.

Bago tumuloy sa kanilang aktibidad ay nag-alay muna ng bulaklak ang naturang delegasyon sa rebulto ng mga dating pinuno ng North Korea na sina Kim II Sung at Kim Jong II sa central Pyongyang.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong bumisitang Chinese delegation sa North Korea para magdiwang ng Lunar New Year festival mula noong isara ng North Korea ang borders noong Enero 2020 nang dahil sa COVID-19 pandemic.