-- Advertisements --

Tinawag ng China na ‘iresponsable’ at walang batayan ang alegasyon na may mga hackers mula sa kanilang bansa ang nagtangkang maghack sa ilang government websites ng Pilipinas.

Ayon sa tagapagsalita mula sa embahada ng China na mahigpit sila sa naumang uri ng cyber attacks at kanila itong kinokondina.

Sumusunod sila sa mga batas na ipinapatupad sa nasabing pagtatangka ng cyber attack.

Inakusahan pa nito ang ilang opisyal ng gobyerno at lokal na mamamahayag dahil sa alegasyon na walang anumang ebidensiya.

Magugunitang ibinunyag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na kanilang natukoy ang nagtangkang mang-hack sa ilang website ng gobyerno ay mula sa China.