Lumakas pa ang tsansa ng China na makapaglaro sa 2024 Paris Olympics matapos na talunin nila ang Angola 83-76 sa classification phase ng 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Smart Araneta.
Kaparehas na ng China ang Japan na mayroong isang panalo sa torneo na may magandang tsansa para magkaroon ng Asian country na makapasok sa Olympic Games sa susunod na taon.
Kailangan din ng China na manalo pa ng isa sa huling laban nila sa classification round na ang makakaharap ay ang Gilas Pilipinas.
Sa unang dalawang quarter ay hawak ng Angola ang kalamangan hanggang humabol ang China pagpasok ng second half.
Umabot pa ng 12-points ang lamang ng China sa last quarter kung saan nagtulong-tulong ang mga manlalaro nila gaya nina Hu Jinqui, Hu Mingxuan, Zhou Qi, at naturalized player Li Kaier.