-- Advertisements --
Sinimulan na ng China, Russia at Iran ang apat na araw na joint military exercise sa Indian Ocean at Gulf of Oman.
Ito ay kahit na nagkakaroon ng tension sa pagitan ng US at Iran.
Sa Golf of Oman kasi naganap ang pag-atake sa dalawang oil tanker noong Hunyo kung saan isinisi ng US sa Iran ang nasabing atake.
Noong Hulyo rin ay kinumpiska ng Iran ang British oil tanker na Stena Impero na kanilang pinakawalan matapos ang dalawang buwan.
Kabilang sa nasabing exercise ang target practice at ang pag-rescue sa mga barko mula sa pang-aatake.
Nais rin ipakita ng tatlong bansa ang mahigpit nilang relasyon kung saan ito ang unang beses ng Iran na makasama sa joint exercise.