-- Advertisements --
Nagmatigas ang China na sila ay transparent sa international community sa pagbibigay ng detalye sa COVID-19.
Kasunod ito sa naging pahayag ng World Health Organization (WHO) na hindi nagbibigay ng tunay na impormasyon ang China sa tunay na bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Ayon kay Chinese foreign ministry spokeswoman Mao Ning na hindi sila kailan man nagtago ng impormasyo ukol sa nasabing usapin.
Nanawagan din ito sa mga bansa na nagpapatupad ng paghihigpit sa mga Chinese tourist na makipagkaisa na sila para bumalik na sa normal ang paggalaw ng mga tao.
Magugunitang maraming mga bansa ang naghigpit ng tourist arrival sa mga Chinese na nagtutungo sa kanila matapos ang muling paglobo ng kaso ng COVID-19.