-- Advertisements --

Napikon ang China sa umano’y ginagawang pang-uudyok ni US Vice President Kamala Harris na tumayo laban sa pambu-bully ng Beijing lalo na sa isyu sa karagatang malapit sa West Philippines Sea.

Sa statement ng Chinese Embassy sa Vietnam, bumwelta ito sa pagsasabing ang Amerika ang siyang nagpapalawak daw ng militarisasyon sa karagatang sakop ng China.

Una nang sinabi ng pangalawang pangulo ng Amerika na welcome sa kanila ang kompetisyon pero pagdating umano sa paglabag ng China sa rules-based international order ay hindi titigil ang US sa pagsasalita.

Kabilang din sa inialok na tulong ni Harris ay ang mas maraming pagbisita ng mga barkong pandigma upang tapatan ang China.

Kung maalala hindi lamang ang China kundi ang mga bansang Vietnam, Brunei, Malaysia, Taiwan at Pilipinas ay nag-aagawan din sa iba’t ibang bahagi ng malapit sa West Philippines Sea na itinuturing na na mahalagang daanan ng mga barko, at kinikilalang mayaman sa krudo at sa yamang dagat.

Ang pitong araw na pagbisita ni Harris liban sa Vietnam ay kasama rin ang pagtungo niya sa Singapore.