-- Advertisements --

Matagumpay na ipinadala ng China sa kanilang bagong space station ang tatlo nilang astronauts.

Lulan ang Shenzhou-14 spacecraft na pinalipad Long March 2F rocket mula sa Jiuquan Satellite Launch Center sa Gobi Desert sa Inner Mongolia.

Maninirahan at magtatrabaho ang mga ito sa Tianhe core module ng Tiangong Space Station sa loob ng anim na buwan bago sila bumalik sa mundo ng Disyembre.

Ang crew ay binubuo nina Chen Dong, Liu Yang at Cai Xiuzhe.

Ito na ang pangatlong crewed mission habang ginagawa ang nasabing space station kung saan target ng China na maging operational ang kanilang space station pagdating ng Disyembre.