-- Advertisements --

Nagdaos ang China Coast Guard (CCG) ng National Day flag-raising ceremony sa mga katubigan malapit sa pinagtatalunang Scarborough Shoal.

Kung saan nanindigan sila sa pagbabantay sa lugar at tiniyak ang kanilang hindi natitinag na commitment, base sa inilabas na video nitong Oktubre 1, kasabay ng National Day bilang pagdiriwang ng ika-76 na anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China.

Sa naturang video, makikita ang mga coast guard officers na nasa formation sa may rear deck ng CCG patrol vessel Dahao na may bow number 3304 habang nakasaludo kasabay ng pagtaas ng watawat ng kanilang bansa.

Matatandaan na ang naturang barko ng CCG ay makailang ulit na ring chinallenge ng PCG dahil sa iligal na presensiya nito sa naturang shoal.

Sa ngayon, wala pang tugon ang Philippine Coast Guard sa naging aksiyon ng CCG sa disputed waters.