-- Advertisements --
Ikinagalit ng China ang ginawang pagpapalipad ng US Navy ng kanilang P-8A Poseidon patrol aircraft sa karagatan sa pagitan ng mainland China at Taiwan.
Ayon sa The Eastern Theater Command of the People’s Liberation Army ng Chinese military na kanilang binantayan ang buong paglipad ng eroplano ng US.
Dahil sa ginawa aniya ng US ay tila nasira na ang isinusulong nilang kapayapaan at katahimikan sa Taiwan Straits.
Pinaigting pa kasi ng China ang kanilang military activities sa Taiwan mula ng bumisita si dating US House of Representative Nancy Pelosi noong Agosto.
Paliwanag ng US Navy na ang ginawa nilang paglipad ay sumasang-ayon sa international law na paglipad sa Taiwan Strait.