-- Advertisements --

Ibinunyag ng Pentagon na mayroong halos 500 na nuclear warheads na nakatago ang China.

Mas domuble ito sa estimate nila noong 2020 na mayroon lamang ng hanggang 200 na nuclear missile ang China.

Pinangagambahan din nila na baka pagdating ng 2035 ay aabot na sa 1,500 nuclear warheads ang gagawin ng China.

Hindi rin na nagtataka ang Pentagon na mas tataas pa ang bilang ng mga nuclear missile ng China dahil sa pagpapaigting nila ng kanilang military power.

Noong 2021 kasi ay nagsagawa ang China ng 135 ballistic missile test na ito ay mas marami sa mga pinagsamang bilang ng iba’t-ibang bansa.

Sa pagtaya ng US ay mayroong mahigit 1 milyon na sundalo na nag China at may mga makabagong barko pa sila.