-- Advertisements --
Nanawagan ang China sa Pilipinas na tigilan na ang paninira at groundless attack sa kanila dahil sa agawan sa Ayungin Shoal.
Sinabi ng tagapagsalita ng Foreign Ministry of China na ang Ren’ai Jiao ay pag-aari ng China mula pa noong mga sinaunang panahon.
Bahagi ito ng Nansha Qundao o ang tinatawag na Spratly Island na ito ay naaayon sa provision ng archipelagos ng United Nations Convention on Law of the Sea.
Patuloy na iginiit ng China na ang Ayungin Shoal ay hindi naging bahagi ng teritoryo ng Pilipinas kung saan wala itong legal na basehan kahit na ikumpara ang layo nito.