Inihayag ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na hindi “best partner” ang China para sa posibleng joint oil and gas exploration ng Pilipinas dahil sa patuloy nitong pagtanggi sa 2016 arbitral ruling sa WEst Ph Sea.
Sa pagtalakay ng House Special Committee on the West Philippine Sea, iginiit ni Cendaña na anumang kasunduan ay dapat kumilala sa soberanya ng Pilipinas at sumunod sa mga lokal na batas.
Dagdag niya, nagdudulot ng pag-aalala ang hindi paggalang ng China sa desisyon ng arbitral tribunal, kaya’t masusing dapat pag-aralan ang anumang partnership.
Samantala, binigyang-diin ng komite na ang anumang exploration agreement ay dapat nakaayon sa pambansang interes, internasyonal na batas, at hindi dapat makasagasa sa karapatan ng mga mangingisda at coastal communities. (report by Bombo Jai)
















