Nais isulong ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang pagkakaroon ng “expeditionary navy” upang maprotektahan ang mga sasakyang pandagat at mangingisda habang patuloy na pinalalago ang maritime industry sa Pilipinas.
Dinaluhan ng ilang maritime experts, government officials, maging ng mga akademiko ang isinagawang 3rd Balangay Forum bilang paggunita sa 2026 Maritime Archipelagic Nation Awareness Month.
Sa forum binigyang diin ni Teodoro na hindi na bago sa mga Pilipino ang karagatan bilang bahagi ng pang-araw-araw na na pamumuhay.
“The sea and the world basically are not something foreign to us. It is in our DNA. However, at the end of the day, we have to come home to land, this where we live, and unfortunately, it is 20% of our national territory. 80% is all sea, and maritime domain.”
Tinalakay rin sa forum ang pagpapaigting ng “blue economy” sa bansa. Kung saan binigyang diin din ni Teodoro na makatutulong ito sa pagkakaroon ng “sustainability at development” sa bansa sa usapin ng supply chains.
Sa forum, tinalakay rin ni Teodoro ang paggamit ng wasto ng maritime resources upang masuportahan ang tumataas na land population ng Pilipinas.
“And we have to use all the resources within that maritime domain in order to support our population on land which admittedly is growing.”
“Coupled with a facts that we have challenges that we have climate change, development and food production”
Ani Teodoro na dapat ring bigyang pansin ang matatag na pwersa ng militar nang sa gayon ay mas lumago ang maritime economy.
















