-- Advertisements --
Inanunsiyo ng China na kanilang bubuksan muli ang border nila ng Hong Kong sa darating na Enero 8.
Ito ay kasunod ng tatlong taon na isinara bilang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Dahil dito ay nasa 60,000 na residente ng Hong Kong ang maaring makatawid sa mainland China.
Hahanapan pa rin ng gobyerno ng China ang negative PCR test sa loob ng 48 oras ang sinumang nagbabalak na tumawid sa border.
Ang nasabing anunsiyo ay kasabay ng pahayag ng China na kanilang tatanggalin na ang mandatory quarantine requirements para sa mga international arrivals at pag-alis na rin ng ilang COVID-19 restrictions.










