GENERAL SANTOS CITY – Personal na binisita ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ang mga hukuman sa GenSan at Sarangani.

Kasama nito si Court Administrator Midas Marquez at tinungo ang bagong tayo na archive building sa loob ng compound ng Hall of Justice sa Brgy Lagao sa lungsod.

Nakadaupang palad ng punong hHukom ang mga huwes sa pangunguna ni Chief Executive Judge Panambulan Membiza, pati ang mga lokal na opisyal ng GenSan.

Sa kaniyang talumpati, nabanggit ni Bersamin ang P10 milyon na pondo mula kay Sen. Manny Pacquiao na inilaan para sa pagpapatayo ng nasabing archive building.

Kasabay nito, nangako si Bersamin na babalik sa GenSan para sa pagbubukas ng tatlong bagong korte na itinatayo rito.

Samantala, dinaluhan din ni Chief Justice Bersamin ang blessing at turnover ceremony sa bagong expansion building ng Sarangani Hall of Justice, kung saan mainit din itong tinanggap ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga hukom sa probinsya.