Nanawagan si Chief Justice Lucas Bersamin sa kapulisan para sa mabilsang pag-aresto sa mga nasa likod ng pagpatay kay Zamboanga del Norte Regional Trial Court Branch 11 Judge Reymar Lacaya.

Ayon kay Bersamin na dapat mabilis na kumilos ang mga otoridad para sa mabilisang pagresolba ng kaso.

Dagdag pa nito na si Lacaya ang siyang pang-ika-30 judge na napatay sa bansa mula taong 1999.

Magugunitang noong Oktubre 8, 2018 ay pinagbabaril hanggang mapatay si Ozamiz City Judge Edmundo Pintac.