Inimbitahan na ng Commission on Higher Education o CHED ang mga guro at mag-aaral na suportahan ang baskebolista ng bansa sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup.
Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera, na inimbitahan niya ang mga guro at maging ang mga mag-aaral na manood sa nasabing mga laro sa darating na Agosto 25.
Magbibigay kasi ang 50 percent na diskuwento ang Local Organizing Committee ng FIBA Basketball World Cup sa mga mag-aaral at guro na manonood sa opening ceremony at ilang mga laro.
Mahalaga aniya lamang na ipakita nila ang kanilang mga school ID para sa mga mag-aaral habang PRC ID naman para sa mga guro.
Magugunitang kinansela ng Malacañang ang klase at pasok sa mga gobyerno sa opening day sa buong Metro Manila at Bulacan sa Agosto 25.