-- Advertisements --

Nagkasundo ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Labor and Employment na bigyan ng P30,000 na cash assistance ang mga anak na nasa college na ng mga overseas Filipino workers na naapektuhan ng coronavirus.

Ang proyektong tinawag na “Tabang OFW” ay pinangunahan ng CHED, DOLE at Overseas Workers Welfare Administration kung saan mayroong inilaan na P1 billion na budget para sa financial assistance.

Sinabi ni CHED chairman Prospero De Vera na ang nasabing programa ay siyang kasagutan sa bumababang college enrollees dahil sa kawalan umano nila ng perang pambayad sa tuition fee.