-- Advertisements --

Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Commission on Elections (COMELEC) matapos mag-file ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng ‘petition for certiorari’ sa Supreme Court na kumukwestyon sa legalidad at constitutionality ng Resolution 11116 o ang resolusyon nila patungkol sa anti-discrimination partikular sa labeling o tagging. Ayon sa petisyon ng NTF-ELCAC, pinapawalang-bisa nila ang Section 3 at Section 2J ng resolusyon na nagtatalakay sa labeling.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na handa sila itong sagutin ngunit kakailanganin nila ng mas mahabang panahon at ito na rin ang kanilang hiniling sa Supreme Court dahil na rin sila na ang mismong magdedepensa sa kanilang sarili at hindi na ang Solicitor General. May sampung araw ang respondent na sagutin ang petition for certiorari na inihain sa kanila.

Dagdag pa ni Garcia, maganda na rin na madepensahan na nila ang anti-discrimination resolution para mas maayos na mabigyang-linaw ang ibig-sabihin ng discrimination, labellng at tagging para bago ipatupad sa mga susunod pang eleksyon ay maayos na ang naturang resolusyon.