-- Advertisements --

Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2024 na si Michelle Dee sa kanyang social media ang tinamo nitong kagat sa mukha mula sa kanyang alagang aso.

Sa kanyang Instagram post, makikitang may benda si Michelle sa ilalim ng kanyang kanang mata at baba. Sa hiwalay na video, ipinakita rin niya ang pagpunta sa isang klinika para ipagamot ang sugat.

“No matter how much we love our furbabies, never underestimate dog bites! Act quickly,” babala ni Michelle.

Kaugnay nito, nauna nang pinaalalahan ng Department of Health (DOH) na bagamat 100% nakamamatay ang rabies, ito rin ay 100% naiiwasan sa pamamagitan ng tamang bakuna.

Noong 2024, 426 ang naitalang rabies-related deaths sa bansa.

Dalawa ang naiulat na nasawi nitong Mayo dahil sa rabies – isang lalaki na namatay siyam na buwan matapos makagat, at isang babae na nakagat dalawang buwan bago bawian ng buhay.

Samantala nagbigay paalala din ang DOH na kung makakagat o makalmot ng hayop, agad hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig, at magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center.