Iniklian na ng lungsod ng San Juan ang curfew hours para ngayong buwan ng Disyembre.

Laman ng City Ordinance 86 series 2020 na mula sa dating 10 pm hanggang 5 am ay magiging hanggang 3 am na lamang.

Ang nasabing hakbang ay para magkaroon ang mga residente ng San Juan na ma-enjoy nila ang Christmas season.

Kailangan lamang na sundin ng mahigpit ang guidelines ng Inter-Agency Task Force.

Pinaalalahan din ni San Juan Mayor Francis Zamora na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangaroling para maiwasan ang pagkalat ng virus.