Chance The Rapper
Chance The Rapper /IG post

Handang sagutin ng Chance The Rapper ang groceries ng isang taon ng kaniyang fans.

Sa kaniyang social media account inanunsiyo na sasagutin niya ang groceries ng 10 masuwerteng fans nito na kaniyang mapipili sa loob ng isang taon.

Nararapat lamang na ang mga sasali ay magpapadala ng video sa kaniya habang sinasayaw ang bago nitong kantang “Groceries”.

Mas makuwela aniya ang pagkagawa ng vide ay may malaking tsansa na ito ay mapili.

Nagsimula na itong pumili ng dalawa noong Mayo 19, 2019 at iaanunsiyo pa ang iba sa mga susunod na araw.