-- Advertisements --
Ipagpapatuloy ngayong araw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paghahanap sa nawawalang Cessna 152 plane.
Galing sa paliparan sa Laoag City ang nasabing eroplano dakong 12: 16 ng tanghali nitong Martes at ito ay patungo sa lungsod ng Tuguegarao.
Walang anumang distress calls na natanggap ang CAAP mula eroplano.
Lulan ng eroplano ang piloto kasama ang Indian student-pilot nito.
Naniniwala ang mga otoridad na maaaring nag-emergency landing ang eroplano o bumagsak sa bahagi ng Apayao, Abra o Kalinga.
















