-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inamin ni Vice Gov. Matthew Marcos Manotoc na nakakontrata ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya ng mga proyektong pang-imprastraktura dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Gayunman, ipinaliwanag niya na hindi sila ang nagpatupad kundi ang ibang mga contractor kung saan ginamit lamang nila ang kanilang lisensya.

Kinumpirma ni Vice Gov. Manotoc na walang ghost project sa lalawigan bagamat ginamit ang pangalan ng mga Discaya.

Aniya, sinasabi umano ng Department of Public Works and Highways na gagamitin ng mga contractor ang lisensya ng mga Discaya kahit hindi sila ang nagpapatupad.

Dagdag pa niya, posibleng may substandard na construction pero madalang ito hindi tulad ng ibang probinsya na may ghost project pa.