-- Advertisements --

Nagdiwang ang mga mamamayan ng Central African country ng Gabon matapos na makontrol na ng military ang pamumuno doon.

Kasunod ito sa alegasyon ng pandaraya ng nagwaging pangulo na si Ali Bongo Ondimba.

Ayon sa mga mliltar na nais nilang tapusin ang pamumuno ng Ali Bongo na hawak ang nasabing bansa ng mahigit 50 taon.

Bago ang pagkuha ng pamumuno ng militar ay nakarinig pa ng malakas na putukan sa Libreville.

Sa kasalukuyan ay limang bansa sa Central Africa ang pinamumunuan na ng militar dahil sa naganap na kudeta na ito ay kinabibilangan ng Mali, Guinea, Burkina Faso, Chad at Niger.