-- Advertisements --

Hindi na hahayaan ng Boston Celtics at Oklahoma City Thunder na makapantay pa ang kani-kanilang mga makakalaban sa nagpapatuloy na round 1 ng NBA playoffs.

Ang nasabing mga koponan ay mayroon ng tig-isang panalo kung saan tinambakan ng Celtics ang Miami Heat 114-94 noong Game 1 sa Eastern Conference habang ang Thunder ay nakalusot sa New Orlean Pelicans 94-92 sa Western Conference round 1 playoffs.

Ngayong araw ay isasagawa ang Game 2 kung saan may kaniya-kaniyang istratehiya ang dalawang koponan para manalo.

Ayon kay Celtics coach Joe Mazzulla na pinaghandaan nila ang Heat dahil tiyak na may mga pagbabagong gagawin ang mga ito.

Subalit pagtitiyak na may mga adjustment na silang ginawa lalo sa depens.

Sa panig ng Heat, sinabi ng kanilang Filipino-American coach Erik Spoelstra, nakita na nila ang ilang pagkukulang lalo na at hindi na nakapaglaro ang kanilang star player na si Jimmy Butler dahil injury.

Samantala tiniyak naman ni Thunder coach Mark Daigneault na magkakaroon ng magandang rotation silang ipapakita laban sa Pelicans para makuha nila ang 2-0 na kalamangan.

Noong game 1 aniya ay gumamit ito ng 11 players sa rotation para talunin ang Pelicans.

Naniniwala ito na tiyak na magiging mahigpit ang bantay ng Pelicans sa star player nila na si guard Shai Gilgeous-Alexander.

Pinapatutukan naman ni Pelicans coach Willie Green sa kaniyang manlalaro ang mabigat ng offense para maitabla sa 1-1 ang round 1 ng NBA playoffs.