-- Advertisements --

Kinansela ni Celine Dion ang mga serye ng European shows nito dahil sa dumaranas ito ng kakaibang sakit.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video kung saan inamin nito na matagal na ang dinaranas niyang kakaibang neurological disorder na nakakaapekto ng kaniyang pagkanta.

Itinuturing umano nito na one in a million katao lamang ang nadadapuan nito.

Dagdag pa ng Canadian singer na nagdudulot ng spasms ang nasabing sakit na lubos apektado ang kaniyang paglakad, pagtayo at pagkanta.

Dahil dito ay kanselado na ang mga show nito sa 2023.

Pinasalamatan naman nito ang mga kapwa singer at mga fans na nagpaabot ng pagdarasal para sa agaran nitong paggaling.