Usap-usapan ngayon ng mga fans ng celebrity couple na sina James Reid at Nadine Lustre ang balitang hiwalay na raw ang dalawa dahil sa “irreconcilable differences.”

Hanggang ngayon kasi ay tikom pa ang bibig ng dalawa sa nasabing isyu.

Pero sa pahayag ng isa sa mga malapit na tao kina James at Nadine, lumayas na raw si Nadine sa bahay ni James sa Quezon City.

Maaalalang hindi itinanggi nina James at Nadine sa ilan sa mga interview sa kanila na nagsasama na sila sa iisang bubong.

Kaugnay nito, tila gumatong din sa mga ispekulasyon ang mahiwagang mga social media posts ni Nadine nitong mga nakalipas na araw.

Nitong nakaraang linggo nang mag-post si Nadine ng larawan sa Instagram ng isang babaeng nakatalikod habang nasa isang veranda ng tila condo unit.

May caption ng aktres na: “I can’t be who you want.”

View this post on Instagram

I can't be who you want.

A post shared by NL (@nadine) on

Marami ring mga JaDine fans ang nagtataka kung bakit walang posts sa social media ang dalawa na magkasama sila nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Noon pang Halloween 2019 ang latest post ni James ng larawan kung saan kasama niya si Nadine.

Magugunitang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon sa isang concert noong Pebrero 2016 sa Smart Araneta Coliseum.