CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng pulisya batay sa bisa ng warrant of arrest ang celebrity cosmetic surgeon na may-ari ng Skinology Spa and Wellness Center habang nasa loob ng mall sa Barangay Lapasan,Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos ma-convict umano ng attempted rape at 2 counts of rape ang akusado na si Dr Joel Mendez na residente sa Quezon City.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Lt Col Mardi Hortillosa na mismo si Regional Trial Court Branch 5-FC Mandaluyong City Presiding Judge Joanne Hernandez-Lazo ang naglabas ng warrant of arrests laban sa 60 anyos na doktor.
Inihayag ni Hortillosa na kasalukuyang naka-detain si Mendez sa Maharlika Detention and Rehabilitation Center ng lungsod at nakatakdang i-biyahe pabalik Metro Manila anumang araw nitong linggo.
Dagdag ng pulisya na si Mendez ay dati nang inaaresto noong Hulyo 12, 2018 subalit nakapiyansa dahil sa alegasyon na nang-molestiya ng 17 anyos na model ng kanyang Mendez Medical Group noong taong 2015.