Ronnie Liang
Ronnie Liang/ FB post
-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Masayang napapakanta nalang ang celebrity-frontliner na si Ronnie Liang kahit nasa duty dahil sa nag re-request ang mga taong dumadaan sa checkpoint na nakakakilala sa kanya kaya nagkakaroon lagi siya ng biglaang live-free concert.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod sa singer-actor turned pilot at ngayo’y si 2nd Lt army reservist Ronnie Liang, isa aniyang karangalan na makapaglingkod siya sa bayan at makapag bigay ngiti sa mga tao sa gitna ng kinakaharap na Pademic kahit nagkaka problema minsan sa pag papatupad nila ng safety protocols sa daan.

” Pag sinasabihan ko na ”social distance” sasabihin nila na sa ”sample muna” medyo nawawala yong pagka seryoso ng sitwasyon pero kinakantahan ko naman ng ” Sa iyong ngit ako’y nahuhumaling…” tapos babarilin sila ng thermal scanner, after that sumusunod naman sila. Ang advantage naman marami tayong na inspire na mga kababayan natin, mga pinaglilingkuran tapos maging mga kasamahan ko ding sundalo, kaya sobrang nakakataba ng puso” pahayag ni Ronnie Liang

Dagdag pa ni 2nd LT Ronnie Liang na paborito laging ipakanta sa kanya ang iconic song niyang ”Ngiti” at game naman niyang hinaharana ang lahat para maibsan ang pangamba ng mga commuters dulot ng Covid-19.