STAR CEBU- Nakapagtala na naman ng panibagong 21 kaso ng coronavirus disease(COVID-19) ang Cebu City ngayong Linggo.
Base sa data na inilabas ng Cebu City Health Department, 12 sa mga ito ang nagmula sa Brgy. Sawang Calero; 6 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) male dorm ; at 3 sa Sitio Negative, Brgy. Carreta.
Nilinaw naman ng ng CHD na 17 lang na kaso ang naitala nitong Sabado, Mayo 16 at hindi 21 na kaso.
Samantala, inanunsiyo ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na may 24 na panibagong nakarekober kung saan 23 nito ay nagmula sa Barrio Luz at isa naman sa Pardo.
Umabot na sa 102 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa nasabing virus nitong lungsod.
Nanawagan naman ito sa publiko na manatili lang sa loob ng bahay, practice good hygiene at panatilihin ang social distancing.
Sa ngayon, umabot na sa 1,740 ang kumpirmadong kaso nitong lungsod habang 15 naman ang naitala ng namatay.