-- Advertisements --

Pinirmahan na ni Marso 25 ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang executive order kung saan binago ang mga guidelines para sa mga taong tutungo sa lungsod na nagmula sa mga probinisya sa labas ng Cebu.

Sa ilalim ng Executive Order No. 125, kinailangan ng maghanda ng negatibong resulta ng RT-PCR test mula sa DOH-accredited facility ang mga returning residents, private authorized persons outside residence (APOR), non-APOR, at mga naglalakbay para maglibang o makataong dahilan.

Dapat ding hindi lalampas sa 72 hours ang kinuhang resulta ng test bago ang pagdating sa lungsod.

Para sa government APOR naman na may official business, dapat wala itong ipinapakitang sintomas ng COVID-19 at magpresenta lang ng kanilang government ID pati na rin ang travel order na inisyu ng pinuno ng ahensya.

Hihilingin din ang mga biyahero na magparehistro sa Safe, Swift, at Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System ng Department of Science and Technology at sumunod sa lahat ng mga kinakailangang dokumento upang makakuha ng Travel Coordination Permit (TCP) o Travel Pass-Thru Permit na kailangang ipakita sa mga daungan bago ang pagsakay.