Patuloy na siniguro ng Emergency Operations Center (EOC) ang publiko na pinipigilan ang pagkalat ng nakakahawang virus sa pamamagitan ng agresibong contact tracing at extraction kahit pa man sa pag doble at pagtaas ng mga kaso nito.
Batay pa sa nakolektang data, walang naitalang backlog ang cluster mula pa sa pagsisimula ng buwan.
Nangangahulugan ito na habang tumataas ang COVID-19 transmission, agad natagpuan ng EOC ang mga taong naka close contact sa mga nagpositibo kaya mabilis maagapan ang pagkalat pa nito.
Inihayag naman ni Doctor Catherine S. Echevarre, medical head ng contact tracing cluster na sa kabila ng pagtaas ng mga kaso sa Cebu, nai isolate naman agad sa mga pasilidad ang mga nagpositibo .
Base sa sa data na inilabas ng DOH kapon Enero 18, nakapagtala ng 41 panibagong kaso ng virus dahilan na pumalo na muling tumaas sa 618 ang aktibong kaso sa lungsod.