-- Advertisements --

Nakikita ni United Kingdom Minister Keir Starmer na may “viable chance” o tiyansang mabuhay ang ceasefire o tigil-putukan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Starmer, anumang ceasefire ay posibleng magtagal at para aniya magtagal nangangailangan ito ng security guarantees, dahilan kayat binuo nila ang coalition, isang grupo na binubuo ng mga bansa sa Europa na nangakong magbibigay ng military support sa Ukraine para mapigilan ang Russia na malabag ang anumang mapagkasunduang peace deal.

Sinabi pa ng UK PM na mayroong maaasahang military plans ang naturang koalisyon na nakahandang gamitin sakaling magkaroon na ng ceasefire.

Ginawa ni Starmer ang pahayag bago ang nakatakdang pakikipagkita niya kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Downing Street ngayong araw bago ang nakatakdang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin bukas, Biyernes, Agosto 15.

Inaasahan na tatalakayin nina Trump at Putin ang pagwawakas ng giyera sa Ukraine.

Matatandaan, nauna ng nabigo na magkasundo ang Russia at Ukraine para sa ceasefire deal matapos tutulan ng Moscow ang demand ng Kyiv at mga kaalyado nito na magkaroon ng ceasefire nang walang kondisyon