-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Qatar na pinalawig ng dalawang araw ang unang apat na araw na ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ang nasabing kasunduan ay matapos na makausap ni US President Joe Biden si Qatar Prime Minister Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani.

Kasama ng Qatar at US ang Egypt na sila ang namagitan para magkaroon ng ilang araw na ceasefire para sa pagpapalaya ng mga bihag ng Hamas.

Magugunitang sa unang apat na araw na tigil putukan ay napalaya ang ilang bihag ng Hamas at ang mga nakakulong na Palestinian sa Israel.