Bumangon sa pamamagitan ng come-from-behind win ang Cleveland Cavaliers para masilat nila ang Miami Heat, 125-119

Umabot pa kasi sa 22 points ang kalamangan ng Heat (36-21) bago nahabol ng Cavs (16-41).

Sumandal ang Cleveland sa mainit na mga kamay ni Kevin Porter Jr. na may kabuuang season high na 30 points kasama na ang go-ahead basket na siyang nagbaon sa Miami sa overtime.

Liban dito nagtala rin si Porter ng apat na triples.

Nagpadagdag naman sa kamalasan ng Heat ang kawalan ni All-Star Jimmy Butler sa magkasunod na games.

Malaking bagay din sa diskarte ng Cavs ay dahil sa pitong players ay nagpakita ng double figures.

Si Kevin Love ay may 17 points at 14 rebounds, Larry Nance Jr. ay may16 points at si Tristan Thompson ay nagdagdag ng 15.

Sa kampo ng Heat nasayang naman ang mga ginawa nina Bam Adebayo na nagtala ng 22 points at 13 rebounds, habang sina Goran Dragic at  Kendrick Nunn ay may tig-22 points.