-- Advertisements --

Patuloy pa rin sa kanilang pamamayagpag ang Miami Heat matapos na panibagong mabiktima ang Cleveland Cavaliers, 113-98.

Walang kahirap hirap na dinispatsa ng Heat ang Cavs para sa kanilang ika-11 panalo mula sa 12 huling games.

Nanguna sa opensa ng Miami sina Jimmy Butler na may 28 points at 12 rebounds, at ang nagbabalik na si Bam Adebayo na nagtapos sa 14 points, nine rebounds at six assists.

Nagpakita rin naman ng double figures sina Kelly Olynyk na may 17 points, Tyler Herro nagdagdag ng 15 at si Duncan Robinson ay nagtapos sa 14.