-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Pansamantalang hindi tatanggap ng pasyente maliban na lamang kung emergency cases ang Cauayan District Hospital hanggang September 26, 2020.

Ito ay makaraang magtala ng dalawang positibo sa COVID-19 ang nasabing pagamutan at sa isasagawang contact tracing.

Batay sa ipinalabas na abiso ng Cauayan District Hospital sa pamamagitan ng kanilang Chief of Hospital na si Dr. Herrison Alejando, si patient CV1503, residente ng Saranay, San Antonio, Alicia, Isabela ay na-admit sa pagamutan noong September 11, 2020 para sa pagsasalin ng dugo dahil maysakit na Lymphoma.

Siya ay nagkaroon ng exposure sa kanyang asawa na si patient CV 1017 at anak na si CV1018.

Ang pangalawang naitalang COVID-19 positive sa CDH ay ang nagbabantay sa unang nagpositibo na isang 43 anyos na babae, residente ng Cabugao, Echague, Isabela.

Siya ay asymptomatic.

Lahat ng mga hospital staff at pasyente na nakasalamuha ng mga nagpositibo ay isinailalim sa RTC-PCR test.