-- Advertisements --
Tila nasa final leg na ng paghahanda si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray para sa launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa London.
Ayon sa 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, “coming soon” na ang face off nila ng tinawag niyang twin o kakambal pero sikreto pa rin ang petsa.
Una nang ibinunyag ng 26-year-old Bicolana-Australian beauty na tatlo sa kanyang paboritong Miss Universe glam moments ang kanyang inirekomenda para sa kanyang wax figure.
Papasinayaan muna ito sa Pilipinas bago irarampa sa Madame Tussauds museum sa Singapore, Bangkok, at huli sa Hong Kong.
Kung maaalala, si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pinakaunang Pinay na nabigyan ng wax statue sa Madame Tussauds noong 2018.