-- Advertisements --

Sinorpresa ng isang casino owner sa Las Vegas ang kaniyang mga empleyado.

Binigyan kasi ng may-ari ng Cosmopolitan casino ang mahigit na 5,000 na empleyado nito ng tig-$5,000 o katumbas ng mahigit P250,000 bilang bonus.

Isinabay ni Cosmopolitan CEO Bill McBeath ang anunsiyo sa isang ginanap na kasiyahan ng kumpanya.

Sinabi nito na hindi magtatagumpay ang kanilang kumpanya kung wala ang mga empleyado.

Bilang pagkilala sa kanilang mga pagsisikap at sipag ay nararapat na mabigyan ang mga ito ng bonuses.

-- Advertisement --

Labis naman na ikinatuwa ng empleyado ng nasabing kumpanya ang nasabing magandang balita.