-- Advertisements --

Ganap nang isang siyudad ang bayan ng Carmona sa Cavite matapos ang isinagawang plebisito kahapon, Sabado kung saan panalo ang “yes” votes kumpara sa “no” votes.

Batay sa resulta, nasa 30,363 residente ang bumoto ng “yes” para ratipikahan ang pagsalin sa bayan para maging isang siyudad.

Habang ang “no” votes ay nasa 1,016.

Kagabi inanunsiyo ni Atty. Morales Castro, Board of Canvassers na panalo ang yes votes.

Nagpasalamat naman si Carmona Mayor Dahlia Loyola sa mga bumoto at sumuporta sa cityhood.

Walang naitalang mga untoward incidents ang PNP Cavite habang isinasagawa ang plebisito.