Patuloy ang pagtaas ng kumpiyansa ni Filipino gymnast Carlos Yulo na magtagumpay sa Paris Olympics.
Lumipat ng Manila mula sa Tokyo ang training camp ng 23-anyos na atleta.
Sinabi nito na nasa proseso na siya na nagdagdag ng isang element, isang skill, isang pass na makakaangat sa kaniyang D-score 6.3 difficulty noong nakaraang taon sa World Championship.
Sa magiging routine niya ngayon aniya ya magiging 6.6 na yung kaniyang tinatrabaho.
Sa nalalapit na anim na buwan ng kumpetensiyon ay nagdagdag ito ng strength at conditioning exercises.
Nag-adjust din ito ng kaniyang nutrition at nagdagdag ng mas matindi sa training.
Ang two-time world champion na si Yulo ay nakapasok sa Paris Games noong Oktubre 2023 ng maabot niya ang finals ng floor exercise sa World Artistic Gymnastics Championships sa Antwerp, Belgium.
Siya ang pangalawang Pinoy na na-qualify sa Olympics kasunod ni pole vaulter EJ Obiena.