-- Advertisements --
Pangulong Marcos Jr, itinalaga ang geologist na si Carlos Primo David bilang bagong DENR undersecretary
loops: geologist Carlos Primo David , PBBM
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang geologist na si Carlos Primo David bilang bagong Undersecretary ng Department of Environment and Natural Resources.
Base sa transmittal paper ni David na itinalaga siya noon pang Disyembre 28 ng nakalipas na taon.
Nabatid na isang lisensyadong geologist si David at siyang mamumuno sa Integrated Environmental Science Office ng DENR.
Si Dr. David din ang pioneer ng isang short term rainfall forecasting sa bansa at climate change related research sa pagkukunan ng tubig.