-- Advertisements --
Bahagyang bumagal ang bagyong Carina habang nagdadala ito ng ulan at pabugso-bugsong hangin sa Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 165 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Nananatili namang nakataas ang signal number one (1) sa mga sumusunod na lugar.
Batanes, Babuyan Islands, northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Lal-lo, Gattaran at Baggao).