-- Advertisements --

Panibagong insidente ng hazing ang naitala sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Ayon kay Police Brig. Gen. Redrico Maranan, ang director ng PNPA, nadiskubre nila ang insidente matapos ang pagsasagawa ng oplan galugad.

Hinalughog nila ang mga barracks ng mga kadete kung saan nadiskubre nila na may pasa sa katawan ang dalawang kadete.

Dito ay itinuro nila ang mga upper classman nila na responsable sa insidente.

Agad na ipinaaresto ni Maranan ang dalawa kung saan nakakulong na ang mga ito sa Silang, Cavite jail.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay mahigit 20 mga kadete ang nagtamo ng sugat sa katawan matapos na sila ay buhusan ng asido ng kanilang mga upper class men.